‘Game plan para sa maipasa ang Bangsamoro Basic Law, inihahanda ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas September 15, 2017 - 12:23 AM

 

File photo

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Mohagher Iqbal, chairman ng Moro Islamic Liberation Front peace implementation panel kasama ang iba pang opisyal ng moro group.

Ayon kay Peace Process Adviser Jesus Dureza, siniguro ni Pangulong Duterte sa MILF na naghahanda siya ng isang “game plan” para sa madaling pagkakapasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law.

Ani Dureza, nais ng Pangulo na maging maaayos ang lahat bago ito sertipikahan ang panukala bilang isang urgent bill.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye si Dureza ukol sa game plan ngunit tiniyak na gagawin ito ng pangulo upang hindi na makwestyon pa pagdating sa mababang kapulungan.

Naganap ang pagpupulong sa pagitan ni Duterte at ng MILF matapos ikadismaya ng grupo ang kawalan ng sponsor ng panukala sa Kongreso.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.