PAKINGGAN: Kampana ng mga simbahan, muling pinatunog para sa mga EJK victims

By Kabie Aenlle September 15, 2017 - 04:22 AM

 

File photo

Sinimulan na ulit Huwebes ng gabi ang sabay-sabay na pagpapatunog sa mga kampana ng simbahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito’y matapos ipag-utos ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang panunumbalik ng tradisyunal na “De Profundis” sa buong Maynila, bilang pag-alala sa mga biktima ng extrajudicial killings at mga napapatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Kabilang sa mga nagpatunog ng kampana ganap na alas-8:00 ng gabi ay ang makasaysayang Manila Cathedral.

 

Ang “De Profundis” o “Out of the depths” ay isang panalangin para sa mga yumao na sinasabayan ng tunog ng kampana.

Ayon kay Tagle, ang ganitong kaugalian ng mga Pilipino ay halos nakakalimutan na, at ito na ang panahon para muli itong buhayin.

Samantala, pinatunog ng “Carillon Bells” ng Manila Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception sa Intramuros ang kantang “Pananagutan”.

Ang kantang ito ay isinulat ni Fr. Eduardo Hontiveros SJ, na nagpapahiwatig na responsibilidad ng bawat tao ang isa’t isa bilang bahagi ng pamilya ng Diyos.

Bukod sa Archiocese of Manila, muli rin itong binuhay ng Archdiocese of Lingayen sa pamumuno ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Archbishop Scorates Villegas at Archiocese ng Jaro sa pamumuno naman ni Archbishop Angel Lagdameo.

Mababatid na sunud-sunod na rin ang pagkondena ng Simbahang Katolika sa mga patayang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at sa maraming nasasawi sa umiiral na war on drugs ng pamahalaan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.