Drug surrenderee, patay sa riding in tandem sa QC

By Justinne Punsalang September 15, 2017 - 01:18 AM

 

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Rose Street, Barangay Payatas Area A, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Jeffrey Leganon, tatlumput isang taong gulang at residente ng No. 67 sa naturang lugar.

Ayon sa mga kapitbahay ni Leganon, dating gumagamit at tulak ng iligal na droga ang biktima.

Ngunit anila, tumigil na ito, simula nang magbahay-bahay ang mga otoridad sa kanilang lugar.

Base sa paunang impormasyon mula sa Quezon City Police Criminal Investigation and Detection Unit, nakaupo lamang ang biktima malapit sa kanilang bahay nang ito ay paputukan ng mga naka-face mask na riding in tandem.

Nakuha ng SOCO mula kay Leganon ang isang pouch na naglalaman ng limang maliliit na plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu, at dalawang pisong barya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.