Ex-Sen. Jinggoy Estrada inaasahang bukas pa makalalaya sa Camp Crame
Hindi pa nakalalabas ng Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame si dating Senador Jinggoy Estrada.
Sa kabila ito ng ulat na maari nang makalaya ngayong araw si Estrada matapos payagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa sa kasong plunder.
Sa pakikipag ugnayan ng Radyo Inquirer sa kampo ni Estrada, wala pang natatanggap na court order ang dating senador pati na ang PNP Custodial Center kaugnay sa kanyang pansamantalang paglaya.
Nagtungo na rin kulungan ng dating mambabatas kanina ang ilang matalik na kabigan ni Estrada gaya ni dating San Juan Vice Mayor Philip Cesar.
Gayunman, hindi na pumasok ang grupo ni Cesar sa kulungan at umalis din kaagad.
Ayon pa sa kampo ng dating senador, maaring bukas pa makalabas si Estrada dahil may kinakailangan pang ayusin na mga dokumento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.