Metro Manila subway project flood proof ayon sa DBM
Gagamit ang pamahalaan ng makabagong teknolohiya para hindi maapektuhan ng baha ang Metro Manila Subway Project.
Ipinaliwanag ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi magiging problema ang baha para sa nasabing malaking proyekto sa ilalim ng Duterte administration.
Sa kanyang pahayag sa 2017 Arangkada Philippine forum, sinabi ng kalihim na maraming mga bansa sa daigdig ang may mga subway bagaman maituturing na below sea level ang lokasyon ng mga ito.
Bukod sa mga mahuhusay na mga Pinoy engineers, sinabi ni Diokno na makakatuwang rin sa proyekto ang ilang mga eksperto na mula pa sa Japan.
Sisimulan sa susunod na taon ang nasabing subway project na magmumula sa Quezon City, tatahak sa Bonifacio Global City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport.
Inaasahang matatapos ang malaking infrastructure project na ito sa taong 2022.
Kahapon ay inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P355.6 Billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.