Pagbasa ng sakdal kay dating Chief Justice Renato Corona, hindi na naman natuloy

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon September 07, 2015 - 01:19 PM

TECCH
Tetch Torres / Inquirer.net

Sa ika-pitong pagkakataon, hindi na naman natuloy ang pagbasa ng sakdal kay dating Chief Justice Renato Corona sa kaso nitong anim na bilang ng tax evasion.

Si Corona ay nahaharap sa labing dalawang bilang ng paglabag sa National Internal Revenue Code Section 255 dahil sa kabiguan nitong maghain ng income tax return at sa Section 254 dahil sa pagtangkang umiwas sa pagbabayad ng buwis.

Nabasahan na siya ng sakdal sa unang unang six counts ng kaso sa Court of Tax Appeals (CTA.

Sa pagharap kanina ni Corona kanina sa CTA, hiniling ng abogado nito na si Atty. Rean Balisi na muling itakda ng ibang petsa ang arraignment dahil para mas mapag-aralan pa umano ng tax court ang kanilang apela.

Ayon kay Balisi, kung mababasahan na kasi ng sakdal ang dating chief justice, magiging moot and academic na ang isinampa nilang mosyon.
Bagaman tinutulan ng prosekusyon ang apela ng kampo ni Corona dahil ilang beses nang hindi natuloy ang arraignment, nagpasya si CTA Associate Justice Erlinda Uy na pagbigyan ang kahilingan.

Ayon kay Uy, bagaman senior member siya ng CTA, humalili lamang siya sa 2nd division dahil ang ibang mahistrado na miyembro ng dibisyon na humahawak sa kaso ni Corona ay naka-leave.

Sa panig naman ni Associate Justice Caesar Casanova, sinabi nitong huling pagkakataon nang pagbibigyan nila ang kampo ni Corona.
Muling itinakda ang pagbasa ng sakdal kay Corona sa October 7.

TAGS: CTA suspends Corona arraignment, CTA suspends Corona arraignment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.