PNP hindi manghihimasok sa kaso ng mga pulis na sangkot sa EJKs
Maluwag na tinatanggap ng Philippine National Police ang pagsasampa ng mga magulang ng mga napaslang na teenagers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “kulot” de Guzman ng kasong double murder laban sa mga pulis na umanoy sangkot sa pagpatay sa mga ito.
Ayon Kay PNP Spokesman CSupt Dionardo Carlos, dahil sa naisampa na ang nasabing kaso ay mabibigyan ng pagkakataon ang kanilang mga pulis para maipagtanggol sa hukuman ang kanilang mga sarili.
Bukod sa dalawang pulis na sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita, damay sa kasong double murder ang taxi driver na si Tomas Bagcal na nauna nang nagsabi na hinoldap siya ni Arnaiz.
Ang double-murder case ay pormal na isinampa sa DOJ ng mga magulang ni Carl at “Kulot” ngayong araw sa tulong ng Public Attorney’s Office (PAO).
Si Tomas Bagcal ang taxi driver na nagsumbong sa mga pulis na hinoldup umano siya ni Arnaiz, pero buhay pa aniya Ito nang mahuli at dinala sa presinto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.