Iloilo City Mayor Jed Mabilog mananatili sa Japan dahil sa stress

By Den Macaranas September 14, 2017 - 04:07 PM

Inquirer photo

Ipinaliwanag ng kampo ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog na hindi nagtatago sa Japan kundi nagpapagamot ng kanyang sakit na diabetes ang nasabing opisyal.

Aminado su Atty. Mark Piad, abogado ni Mabilog na masyadong na-stress ang alkalde sa mga balita na nag-uugnay sa kanya sa droga at naapektuhan nito ang kanyang kidney.

Ipinaliwanag pa ni Piad na nag-file ng kanyang leave of absence si Mabilog na tatagal hanggang sa Setyembre 30.

Noong nakaraang linggo ay sumunod sa Japan ang kanyang pamilya para makasama ng nasabing local official.

Nauna dito ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Iloilo City ang siyang “most shabulized” city sa bansa.

Sinabi rin ng pangulo na itatalaga niya sa nasabing lungsod si C/Insp. Juvie Espenido na naging hepe rin ng pulisya sa Albuera, Leyte at Ozamis City kung saan parehong napatay ang mga alkalde sa nasabing mga lugar dahil sa war on drugs ng pamahalaan.

TAGS: duterte, espenido, Iloilo, jed mabilog, Jovie Espenido, shabu, duterte, espenido, Iloilo, jed mabilog, Jovie Espenido, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.