Pinagbigyan ng Regional Trial Court branch 93 sa Quezon City ang petisyon ng Maynilad para sa water rate adjustment.
Sinabi ng Parent Metro Pacific Investments Corporation sa Philippine stock exchange na sa desisyong may petsang August 30, 2017, pinagbigyan ng korte ang petition for confirmation and enforcement of arbitral award ng Maynilad na inihain nito noong July 2015.
Ito ay kasunod ng pagtanggi ng MWSS na ipatupad ang final award na may petsang December 29, 2014 na inilabas sa arbitration sa pagitan ng Maynilad at MWSS.
Pinagtibay sa final award ang 13.41 percent rebasing adjustment na ipinanukala ng Maynilad para sa period na January 1, 2013 hanggang December 31, 2017.
Dahil dito, nasa P11.56 ang dagdag sa buwanang bayarin ng may konsumong 10 cubic meters at P43.76 per month sa may konsumong 20 cubic meters.
Noong July lang ay inutusan ng International Tribunal ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang Maynilad ng P3.424 billion bilang revenue losses dahil sa unimplemented rate adjustments.