Hirit na dagdag singil ng Maynilad, pinaburan ng Korte

By Len Montaño September 14, 2017 - 12:52 PM

Nakaamba ang dagdag singil sa tubig sa mga customers ng Maynilad Water Service Inc. matapos silang paboran ng isang korte sa Quezon City.

Pinagbigyan ng Regional Trial Court branch 93 sa Quezon City ang petisyon ng Maynilad para sa water rate adjustment.

Sinabi ng Parent Metro Pacific Investments Corporation sa Philippine stock exchange na sa desisyong may petsang August 30, 2017, pinagbigyan ng korte ang petition for confirmation and enforcement of arbitral award ng Maynilad na inihain nito noong July 2015.

Ito ay kasunod ng pagtanggi ng MWSS na ipatupad ang final award na may petsang December 29, 2014 na inilabas sa arbitration sa pagitan ng Maynilad at MWSS.

Pinagtibay sa final award ang 13.41 percent rebasing adjustment na ipinanukala ng Maynilad para sa period na January 1, 2013 hanggang December 31, 2017.

Dahil dito, nasa P11.56 ang dagdag sa buwanang bayarin ng may konsumong 10 cubic meters at P43.76 per month sa may konsumong 20 cubic meters.

Noong July lang ay inutusan ng International Tribunal ang gobyerno ng Pilipinas na bayaran ang Maynilad ng P3.424 billion bilang revenue losses dahil sa unimplemented rate adjustments.

 

 

 

 

TAGS: maynilad, mwss, Quezon City court, water rate hike, maynilad, mwss, Quezon City court, water rate hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.