Tinupok ng apoy ang dalawang palapag na bahay at apat na establisiyemto sa Ilang-Ilang Street kanto ng Commonwealth Avenue Brgy. Batasan Hills, Quezon City.
Ayon kay Station 2 commander Ferdinand Magno Rosendo Cabillan ng Quezon City Bureau of Fire Proteciton, umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Nagsimula ang sunog alas 10:30 ng umaga at naapula din agad alas 11: 10 ng umaga.
Sa second floor ng bahay na pag-aari ni Loreto Bautisa 60-anyos nagmula ang apoy.
WATCH: Residential/Commercial area sa Brgy. Batasan Hills sa QC tinupok ng apoy | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/77yIpij4EE
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
WATCH: 1 bahay at apat na commercial establishment ang nasunog | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/sdIyOH1XYK
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
Umabot lang sa 2nd alarm ang sunog | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/wwvy0UGKrN
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
Tinataya namang aabot sa P75,000 ang halaga ng mga ari-arian nasunog.
Isa rin ang naitalang nagtamo ng minor injury.