2 Indian national na miyembro ng kidnap for ransom group patay sa Cavite

By Chona Yu September 14, 2017 - 12:07 PM

Courtesy of Imus, Cavite PNP

(UPDATE) Patay ang dalawang Indian na kidnapper matapos makaengkwentro ang mga tauhan ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group kaninang alas tres singko ng madaling araw sa Palanas Road, Anabu 1G, Imus City, Cavite.

Ayon kay PNP AKG Head Senior Supt. Glenn Dumlao, nakilala ang dalawang suspek na sina Kumar Pardeep, 33 anyos at residente ng B9 Lot 6, Phase 1 Line 13, Windwards Hills, Dasmarinas City at Hunny Singh na tinatayang nasa edad 35 hanggang 40.

Suspek ang dalawa sa pagdukot sa kapwa Indian na si Lalit Kumar.

Noon pang Setyembre 3 dinukot si Kumar sa may bahagi ng Dasmarinas.

Courtesy of Imus, Cavite PNP

Humihingi aniya ng dalawampung milyong piso ang mga kidnapper subalit nagkatawaran hanggang sa bumaba sa isang milyong piso at at magkasundo sa 680,000 piso.

Pero pinatay na ng mga suspek ang biktima kahapon at itinapon ang bangkay ni Kumar sa Brgy. Navarro, General Trias, Cavite.

Gayunman, natunuguan ito ng PNP AKG kung kaya inoperate ang mga suspek.

Sakay ng kulay itim at pula na Yamaha Mio Soul na walang plaka nang makaengkwentro ang mga pulis.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang 9 mm na baril, mga bala at isang eco bag na naglalaman ng hindi matukoy na halaga ng pera.

 

TAGS: anti kidnapping group, kidnap for ransom group, PNP, anti kidnapping group, kidnap for ransom group, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.