MRT, muling nagka-aberya

Nakaranas muli ng aberya ang mga pasahero sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayonga raw ng Huwebes.

Sa abiso ng MRT, isang tren nila ang nagkaroon ng technical problem habang bumibiyahe pa-southbound alas 10:12 ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero ng nagkaproblemang tren sa Guadalupe station at pinasakay na lang sa kasunod na tren.

Alas 11:22 naman ng umaga nang pababain din ang mga pasahero sa Kamuning Station Southbound.

Ito ay dahil din sa nagkaproblemang tren.

Kahapon, Sept. 13, anim na aberya ang naitala sa MRT.

Dalawang pasahero ang nasugatan sa isa sa anim na naitalang aberya.

 

 

 

 

Read more...