WATCH: 4 na motorsiklo inararo ng kotse Boni Serrano Ave., 6 ang sugatan
Sugatan ang anim na katao matapos araruhin ng isang kotse ang mga motorskilong kasalubong nito sa Boni Serrano Avenue sa Quezon City.
Ayon sa mga motorista, nabulaga na lamang sila nang biglang magdire-diretso ang kulay puting Toyota Vios na may plakang AAP 9642 at sila ay banggain.
Inaantok umano ang driver ng kotse na galing sa bahagi ng EDSA.
Paliwanag naman ng driver na si Roy Sandro Turino, papunta sana sya ng Katipunan Avenue nang bigla na lamang nag-counterflow ang mga motor.
Nagulat umano siya sa pagsalubong ng apat na motorsiklo kaya bigla niya lang kinabig ang manibela dahilan para bumaligtad ang sasakyan niya.
Paliwanag ng driver na si Roy Sandro Turino, papunta sya ng Katipunan Avenue nang biglang nag-counterflow ang mga motor | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/mEzoco3Tvk
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
Pero sinabi ng isa sa mga nasugatang motorcycle rider na nakahinto lamang sila nang sakupin ng sasakyan ni Turino ang kanilang linya.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumaob ang minamaneho niyang sasakyan at nabasag ang ibabaw na bahagi.
WATCH: Binangga ng 1 kotse ang apat na motorsiklo at dalawa pang sasakyan sa bahagi ng Col. Bonny Serrano Ave. | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/eAX94w6JTp
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
WATCH: 6 ang nasugatan sa nasabing aksidente | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/HcQSNqFZSc
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
WATCH: Sinasabing inaantok ang driver ng puting kotse. Binangga nito ang mga sasakyan na nasa kabilang lane. | @MMakalaladINQ pic.twitter.com/Vj4fzR7gx2
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa kahabaan ng Boni Serreno ang aksidente na tumagal ng isang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.