Ayon kay AFP Spokesman Birg. General Restituto Padilla, may mga aid station na nakapwesto sa main battle field.
Hindi lang kasi tama ng bala ng baril at shrapnel sa katawan mula sa improvised explosive device ang kinakailangang gamutin sa mga sundalo.
Mayroon ding tinatamaan ng sakit na dengue, malaria, leptospirosis at kagat ng aso.
Ilang sundalo sa Marawi, tinatamaan ng sakit gaya ng dengue, malaria, kagat ng aso at iba pa | @chonayu1 pic.twitter.com/74rbApDQ20
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) September 14, 2017
Tiniyak naman ni Padilla na may sapat na duktor sa Marawi City.
Aminado si Padilla na dahil sa lumiliiit na ang lugar ng teroristang Maute group nagiging intense na ang labanan sa ngayon.