Ilang sundalo sa Marawi, tinatamaan ng sakit gaya ng dengue, malaria, kagat ng aso at iba pa

By Chona Yu September 14, 2017 - 09:11 AM

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na natutugunan ng kanilang hanay ang pangangailangank medikal ng mga sundalong nasusugatan at nagkakasakit na dulot ng giyera sa marawi city.

Ayon kay AFP Spokesman Birg. General Restituto Padilla, may mga aid station na nakapwesto sa main battle field.

Hindi lang kasi tama ng bala ng baril at shrapnel sa katawan mula sa improvised explosive device ang kinakailangang gamutin sa mga sundalo.

Mayroon ding tinatamaan ng sakit na dengue, malaria, leptospirosis at kagat ng aso.

Tiniyak naman ni Padilla na may sapat na duktor sa Marawi City.

Aminado si Padilla na dahil sa lumiliiit na ang lugar ng teroristang Maute group nagiging intense na ang labanan sa ngayon.

 

 

 

 

TAGS: Marawi City, Marawi soldiers, Marawi City, Marawi soldiers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.