3 arestado sa buy-bust operation sa Makati City

Arestado ang tatlo katao sa ikinasang buy-bust operation sa Varona St., Brgy. Tejeros, Makati City.

Kinilala ang mga suspect na sina Aries Pereña, Romeo Pereña, at isang Jovelyn Buqueron.

Ayon sa Makati City Police, nagpanggap na posseur-buyer ang isa nilang operatiba, at bumili 200 pisong halaga ng shabu mula sa mga suspect.

Nang magkaabutan na ng pera at droga, dito na dinampot ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ang tatlong suspect.

Narecover mula sa mga ito ang anim na sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

Read more...