Investigation agent ng DOJ, patay sa aksidente sa QC

By Cyrille Cupino September 14, 2017 - 06:46 AM

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang motorcycle rider matapos mabundol ng isang pampasaherong bus sa EDSA-Quezon Avenue Flyover, Quezon City.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Ramiro Bersamina Jr., 29 anyos, pero binawian rin ng buhay matapos magtamo ng pinsala sa ulo.

Kwento ng driver na si Crispin Figueroa ng Five Star Bus (TXT-510), binabaybay niya ang southbound lane ng EDSA-Quezon Avenue Flyover nang biglang huminto ang rider para pulutin ang nahulog nitong GV Box na nakakabit sa likod ng motorsiklo.

Nakapag-preno pa umano ang driver pero inabot pa rin ng bus ang biktima kaya humampas ang ulo nito sa windshield at nasalpok pa ang motorsiklo.

Pero ayon naman sa mga saksing motorista, wala namang pinupulot sa kalsada ang biktima at sadyang mabilis lang ang takbo ng bus.

Batay sa narekober na I.D mula sa biktima, nagtatrabaho ito sa Department of Justice (DOJ) bilang isang investigation agent.

Posibleng maharap ang driver ng bus sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: accident, bus, edsa, motorcycle, Quezon Avenue, accident, bus, edsa, motorcycle, Quezon Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.