Dalawang bagyo nakalabas na ng bansa; panahon, magiging maganda na ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 14, 2017 - 06:16 AM

Matapos makalabas ng bansa kagabi ang bagong Lannie na may international name na Talim at Maring na may international name na Doksuri, intertropical Convergence zone (ITCZ) na lamang ang umiiral sa bansa.

Ang Typhoon Talim ay huling namataan sa layong 700 kilometers northeast ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Habang ang Tropical Storm Doksuri ay huling namataan sa 740 kilometers west ng Iba, Zambales taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 85 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 105 kilometers per hour.

Ayon sa PAGASA, ang ITCZ ay nakaaapekto sa Palawan at Mindanao.

Dahil dito, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang Palawan at maaring makaranas ng occasional heavy rains, na may malakas na hangin.

Ang Mindanao naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong pag-ulan at thunderstorms.

Samantala sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, partly cloudy hanggang cloudy skies lamang na mayroong isolated rainshowers ang iiral.

 

 

 

 

 

TAGS: ITCZ, Pagasa, Tropical Storm Doksuri, typhoon talim, weather in PH, ITCZ, Pagasa, Tropical Storm Doksuri, typhoon talim, weather in PH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.