“Domino effect,” pinangangambahan oras na mapayagang magpyansa si ex-Sen. Jinggoy Estrada

 

Naghahanda na ang Office of the Ombudsman sa magiging desisyon ng Sandiganbayan sa ikalawang apela ni dating Sen. Jinggoy Estrada na makapag-piyansa kaugnay ng kinakaharap niyang kasong plunder dahil sa pork barrel scam.

Ilang sources ng INQUIRER ang nagsabing bumuo ang Sandiganbayan Fifth Division ng Special Division of Five, matapos mabigo ang korte na makabuo ng consensus sa mosyon ni Estrada na makapag-pyansa.

Isang highly-placed source ang nagsabi na naghain ng petisyon muli si Estrada dahil sa ibang komposisyon ng court division.

Pinangangambahan ng nasabing source na posibleng magdulot ng “domino effect” ang posibleng pagpayag ng korte na makapagpyansa si Estrada.

Maliban kay Estrada, akusado rin sa kaparehong kaso sina dating Sen. Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.

Ginawa lang aniya ng dating senador ang mosyon para malusutan ang magiging prohibition ng korte sa ikalawa niyang motion for reconsideration.

Samantala, isa pang source ang nagsabing magiging 3-2 ang kalalabasan ng botohan, pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye tungkol dito.

Read more...