2024 Olympics, gaganapin sa Paris

By Rhommel Balasbas September 14, 2017 - 04:31 AM

 

Pormal nang iginawad ng International Olympic Committee sa Paris ang hosting ng 2024 summer Olympic Games.

Matapos ang botohan na naganap sa Lima, Peru, napagdesisyunang ibigay na sa Paris ang hosting sa 2024 samantalang ibinigay naman ang 2028 hosting sa Los Angeles.

Ito ang ikatlong hosting ng Paris sa edition ng Olympics na saktong isandaang taon matapos ang huling hosting nito noong 1924.

Samantala, ito namang ang ikatlong beses na maghohost ang Los Angeles matapos iorganisa ang palaro noong 1932 at 1984.

Iginawad sa dalawang bansa ang hosting dahil na rin sa nauna nang pagwiwithdraw ng anim na lungsod sa bidding dahil sa presyo, laki at hirap ng pagoorganisa sa pinakamalaking multi-sports event sa mundo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.