Mocha Uson sa pagpasok sa mosque nang walang hijab: ‘Sorry’

By Jay Dones September 14, 2017 - 04:34 AM

 

Mula sa Mocha Uson blog

Humingi ng paumanhin ang dating sexy singer at ngayo’y Assistant Secretary Mocha Uson sa pagpasok nito sa loob ng Grand Mosque sa Marawi City kamakailan nang walang suot na hijab at nakasapatos.

Matatandaang umani na naman ng batikos si Uson makaraang mag-post ito ng video ng pagbisita niya at ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng Grand Mosque.

Sa naturang video, makikita si Uson at ang grupo ng pangulo na pumasok sa loob ng mosque ng nakasapatos.

Samantalang si Uson naman ay walang suot na hijab na labag sa isinasaad ng relihiyong Islam.

Gayunman, sa kanyang blog, ipinaliwanag ni Uson na hindi lamang siya ang babaeng walang suot na hijab noon.

Biglaan rin lamang aniya ang kanilang pagtungo sa Grand Mosque dahil sa paglakas at paglapit ng mga putukan sa lugar.

Itinanggi rin ng opisyal na kumuha ito ng selfie sa loob ng banal na simbahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.