P65-M bigay na tulong ng China sa mga sugatang sundalo ng Marawi
Nagbigay ng 65 milyong piso ang China sa Armed Forces of the Philippines upang magamit sa pagpapagamot ng mga nasusugatang sundalo sa pakikipagbakbakan sa Marawi City.
Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ng cheke na bigay ng China sa pangunguna ni Ambssador to the Philippines Zhao Jianhua kay AFP Chief, General Eduardo Año sa isang okasyon sa Malacañang.
Ayon sa pangulo, malaki ang maitutulong ng naturang pondo sa patuloy na pagpupursige ng pamahalaan na matuldukan na ang terorismo ng Maute group sa Marawi.
Sa ngayon aniya, nasa ‘final stages’ na ang opensiba ng militar laban sa naturang grupo sa Mindanao.
Nagpasalamat rin ang pangulo sa tulong na patuloy na ibinibigay ng China sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.