Matagal nang naituwid ng Department of Education ang diumano’y mga mali o “error” sa ilang nilalaman ng mga textbook sa mga public schools.
Kasunod ito ng pahayag ng isang academician na mahigit isang libo ang nakita niyang pagkakamali sa textbook na inilabas ng DepEd para sa Grade 10 students.
Ipinaliwanag ni Education Assistant Secretary Jesus Mateo na ang nabasa ng Academic Supervisor ng Marian School Quezon City na si Antonio Calipjo Go ay draft copy at hindi ang published copy ng mga textbook.
Napag-alaman kay Mateo na matagal nang kinakausap ng DepEd si Ginoong Go para maging “reviewer” sa kanilang textbooks.
Nilinaw din ni Mateo na bukas naman ang kagawaran sa anumang puna para maituwid ang ilang pagkakamali. / Jimmy Tamayo