Tanggap na ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang pagbasura sa Kamara de Representantes sa impeachment complaint nito kontra kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, alam nila na hindi sila palaging mananalo at minsan ay natatalo sa kanilang mga isinasampang kaso.
Bagamat aniya nakitaan ng mga kongresista ng substance ang kanilang impeachment complaint, nalulungkot ito dahil kulang daw ito sa required na “form”.
Photo: Radyo InquirerUmaasa na lamang sila na uusad ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon laban sa Chief Justice na nakitaan ng House Justice Commitee na sufficient in form and substance.
Nilinaw rin ng VACC na walang kinalaman ang pulitika sa kanilang inihaing reklamo kay Sereno.