Gobyerno mayayanig sa malaking anti-Duterte rally ayon sa grupong Karapatan

By Alvin Barcelona September 13, 2017 - 04:49 PM

Nagbanta ang mga miyembro ng grupong Karapatan ng malaking kilos-protesta laban sa tinawag nitong anti-people at pasistang kaalyadong kongresista ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pagbibigay ng Kamara de Representantes ng isang libong piso lamang na budget sa Commission on Human Rights at tila pagpigil nito sa mandato ng constitutional body na pagpuna sa mga human rights violation ng mga opisyal ng gobyerno.

Sa pahayag na inilabas ni Christina Palabay, Secretary General ng Karapatan, sinabi nito na naniniwala ang grupo na ito ay malinaw na pagtatangka ng Duterte administration na pagbuwag sa CHR.

Ang pagtatanggal ng pondo sa CHR ay kabaligtaran naman ng pag-apruba ng kamara sa malaking P3.13 Billion budget para sa 2018 ng “Oplan Kapayapaan” at ang madugo nitong giyera kontra sa droga na parehong naglalayong maghasik ng terorismo at karahasan sa mga mahihirap.

Nakakalungkot aniya ito dahil ang pondo sa social program kabilang ang para sa pabahay, edukasyon at public health ay kundi man binawasan ay halos tanggalin na.

Nanawagan ang grupo sa lahat ng mga Pinoy na nagmamahal sa kalayaan na magsama-sama sa darating na September 21 para labanan ang pag-atake ni Duterte sa mga mahihirap pati sa karapatang pantao at ng mamamayan.

Sinabi rin ng grupo na tiyak na mayayanig ang pamahalaan sa dami ng mga magpapakita ng pagkadismaya sa kasalukuyang administrasyon./

TAGS: duterte, ejk, Karapatan, palabay, Rally, septembre 21, duterte, ejk, Karapatan, palabay, Rally, septembre 21

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.