PNP: Access ng media sa operational spot reports mananatili

By Chona Yu September 13, 2017 - 04:18 PM

Nililinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang inilalabas na panibagong kautusan si Director General Ronald dela Rosa na pagbawalan ang media na magkaroon ng access sa spot reports ng mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos, taong 2014 pa may inilabas nang memorandum ang PNP na huwag ilabas ang mga spot reports kapag mayroon pang on-going investigation o hindi kaya sangkot sa krimen ang mga babae na biktima ng pang aabuso o mga menor de edad.

Maari naman aniyang makakuha ng kopya ang media ng spot report kung gagawa ng formal request.

May access din aniya ang media sa police blotter dahil public document naman ito.

Pwede rin naman aniyang magpalabas ang PNP ng press statement o press releases.

Bukod dito, sinabi ni Carlos maari rin kunin na lamang ng media ang impormasyon sa mga police officers na may hawak ng kaso o hindi kaya sa mga station commander.

 

Sinabi pa ni Carlos na hindi naman ito lalabag sa ipinalabas na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na freedom of information dahil palagi namang transparent sa mga isyu ang kanilang hanay.

 

Matatandaang una nang iniulat ng sister company ng Radyo Inquirer na Cebu Daily News na pinagbabawalan na umano ang mga mediamen sa Cebu na makakuha ng kopya ng spot reports ng PNP doon.

TAGS: Carlos, cebu, dela rosa, media, PNP, spot report, Carlos, cebu, dela rosa, media, PNP, spot report

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.