Kukuha ng court order ang Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG-NCR) para hilingin sa korte na hukaying muli ang inilibing na bangkay kanina ni Reynaldo De Guzman, Alyas Kulot.
Ayon kay CIDG-NCR Chief SSupt. Wilson Asueta, dudulog sila sa korte kapag may nakuha silang bagong ebidensya o may bagong circumstances sa kaso.
Sa ngayon hindi pa matukoy ni Asueta kung sa korte sa Gapan City, Nueva Ecija kukuha ng court order ang kanyang grupo.
Una nang hiniling kahapon ng CIDG-NCR sa mag-asawa na ibalik sa Ganap City ang bangkay matapos hindi magtugma ang kanilang DNA test.
Matatandaang inilibing na kanina ng mag-asawang Eduardo at Lina ang bangkay na narekober sa Gapan City, Nueva Ecija sa paniniwalang ang bangkay na iyun ay ang nawawala nilang anak na si Kulot.