Unang araw ng HPG: Mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa malaking bahagi ng EDSA

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2015 - 11:27 AM

Arnlod Almacen Shaw going to Boni 740am
Arnold Almacen / PDI

Naranasan pa rin ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA sa unang araw ng pagmamando sa trapiko ng mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group.

Simula pasado alas 8:00 ng umaga nang magsikip na ang traffic sa EDSA lalo na sa southbound lane. Inabot din ng isang oras ang biyahe mula sa EDSA Balintawak hanggang sa Shaw Boulevard.

Kabilang sa nakaranas ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang mga motorist sa bahagi ng Cubao, Santolan, Boni at Guadalupe Area.

Nakadagdag pa sa masikip na traffic ang mga naitalang aksidente sa lansangan.
Kasabay nito ay umapela sa publiko si PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor sa publiko na bigyan pa ng tsansa ang mga tauhan ng PNP-HPG.

Ayon naman kay HPG spokesperson Supt. Oliver Tanseco na base sa resulta ng unang araw ng pagmamando ng traffic ng HPG sa EDSA ay bubuo sila ng plano para mas maayos pa ang daloy ng traffic.

Katunayan ayon kay Tanseco, may mga improvement naman sa ilang bahagi ng EDSA lalo na sa Balintawak na kadalasan ay maaga pa lamang ay nagsisikip na ang traffic.

Umapela di si Tanseco sa mga motorista na makipagtulungan din at sundin ang traffic rules at magpakita ng disiplina.

TAGS: EDSAtraffic, HPGonEDSA, EDSAtraffic, HPGonEDSA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.