Ayon kay Insp. Juan Jhayar Maggay, kabilang sa mga isinukong baril ay kalibre .22, .24, .38 at mga shotgun.
Nabatid na sa kabuuang bilang ng mga baril ay tatlong armas lamang ang may kaukulang papeles pero paso na ang mga ito.
Sinabi din ni Maggay na walang nilabag na batas ang mga nagsuko ng mga baril dahil ito ay isang amnesty, at kinausap nila ang mga residente na kung hindi nila isusuko ang mga armas ay maglalabas sila ng search warrant laban sa kanila.
Ginawa ang pagsuko ng mga baril bilang pagtalima sa “Project Pitik” ng Tubao Municipal Police Station.
Inilunsad ang nasabing programa ngayong buwan kasunod ng pagdiriwang ng National Crime Prevention Month.
Ngayong buwan ay nakapagtala ng dalawang kaso ng illegal possession of firearms sa munisipalidad ng Tubao. / Mariel Cruz