Dalawang pasahero ng MRT, sugatan sa biglang pag-preno ng tren

By Mariel Cruz September 13, 2017 - 12:21 PM

Dalawang pasahero ang nasugatan sa isa sa limang aberyang naitala sa Metro Rail Transit (MRT), Miyerkules ng umaga.

Kinumpirma ni Transportation Undersecretary Cesar Chavez na isang 30-anyos na babae ang nagtamo ng minor injury sa kanang braso habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang bahagi ng dibdib ang isang 68-anyos na lalaki.

Kapwa sakay ang dalawa ng isang MRT train nang biglaan itong huminto sa northbound side ng Shaw Boulevard station.

Nabatid na biglang tumigil ang tren dahil sa technical problem mula sa onboard signalling system.

Ngayong araw na ito, limang magkakasunod na aberya ang naitala sa MRT sa pagitan ng alas 7:12 ng umaga hanggang alas 9:11 ng umaga.

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, MRT, technical problem, dotr, MRT, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.