Aguirre kakasuhan si Hontiveros

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2017 - 10:42 AM

Pinag-aaralan na ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagsasampa ng kaso laban kay Senator Risa Hontiveros.

Ito ay makaraang isapubliko ni Hontiveros ang larawan ng umano ay palitan ng text messages sa pagitan ni Aguirre at dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras.

Ayon kay Aguirre, plano niyang kasuhan si Hontiveros at ang taong kumuha ng larawan habang ang kalihim ay nagte-text sa kasagsagan ng Senate hearing.

Ipinaliwanag ni Aguirre sa panayam sa Radyo Inquirer na ‘private communications’ ang text messaging at anumang hindi otorisadong ‘intrusion’ ay maituturing na ilegal.

Dagdag pa ni Aguirre, dumalo siya sa senate hearing dahil inirerespeto niya ito bilang isang institusyon kaya nakalulungkot na malalabag lamang ang kaniyang privacy habang dumadalo sa pagdinig.

Maituturing aniyang paglabag sa Anti-wiretapping act ang pag-picture sa kaniyang cellphone habang siya ay nagte-text.

Sa kaniyang privilege noong Lunes, nanawagan si Hontiveros na bumaba sa pwesto si Aguirre.

Ipinakita ni Hontiveros ang larawan ng umano ay palitan ng mensahe nina Aguirre at isang “Cong. Jing” kung saan pinag-uusapan umano ang pagsasampa ng kaso laban sa senadora.

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Vitaliano Aguirre, Radyo Inquirer, Risa Hontiveros, Vitaliano Aguirre

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.