8 ang patay sa pananalasa ng bagyong Maring

By Dona Dominguez-Cargullo September 13, 2017 - 09:35 AM

Red Cross Photo

Patay ang walong katao, kabilang ang isang sanggol sa pananalasa ng bagyong Maring.

Sa Taytay, Rizal, nasawi ang makapatid na Jude Pondal, 17 at Justil, 14, nang matabunan ng gumuhong lupa ang bahay nila sa Barangay Dolores.

Nasugatan naman ang kanilang ina, habang ligtas ang ama at isa pang kapatid.

Sa Antipolo, natabunan din ng gumuhong lupa at mga kawayan ang isang bata sa Sitio Gumamela, Barangay Santa Cruz.

Idineklarang dead on arrival sa Antipolo Municipal Hospital si Lebron James Alozo, na edad isa at kalahati.

Natutulog sa loob ng bahay nila ang bata kasama ang tagapagbantay nito nang gumuho ang mga kawayan at lupa at dumagan sa bata.

Sa Silang, Cavite, nalunod si Rossie Nasayao habang tinatangkang iligtas ang apat niyang mga anak sa Barangay Biluso nang anurin ng tubig baha ang kanilang barong-barong.

Ayon kay Kathlyn Eusebio ng Silang disaster management council, na-recover ang katawan ni Nasayao tanghali ng Martes sa Barangay San Agustin 2 sa Dasmariñas City.

Isang 12-anyos na babae naman na nakilalang si Samantha Cornejo ang nasawi sa Pasay City.

Ayon kay Pasay police assistant chief of operations, Supt. Deanry Francisco, nalunod si Cornejo sa Maricaban River.

Sa Quezon Province, nasawi ang sanggol na nasa pagitan ng dalawa hangang tatlong buwan matapos ding matabunan sa landslide sa kanilang bahay sa Lucena City.

Samantala, natagpuan na ang bangkay ng isang limang taong gulang na bata sa Barangay Parian sa Calamba Laguna. Ang nasabing lalaki ay isa sa anim na napaulat na nawawala sa Calamba.

Isa pang 15-anyos naman ang nasawi rin sa Barangay San Cristobal, Calamba.

Nananatili namang lima ang nawawala sa Laguna.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Antipolo, death toll on maring, laguna, Lucena City, maring, Pasay City, Radyo Inquirer, Taytay, Antipolo, death toll on maring, laguna, Lucena City, maring, Pasay City, Radyo Inquirer, Taytay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.