Lalawigan ng Laguna, isinailalim na sa state of calamity dahil sa pinsala ng bagyong Maring
Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Laguna kasunod ng pinsalang idinulot ng bagyong Maring.
Ayon kay Laguna Governor Ramil Hernandez, inirekomenda niya sa Sangguniang Panlalawigan ang deklarasyon ng state of calamity.
Ani Hernandez, malawak ang naging pinsala ng bagyo sa lalawigan batay sa datos ng provincial disaster risk reduction and management office.
Kabilang sa itinuturing na hardest hit ang San Pedro, Biñan, Sta. Rosa at Calamba.
Sa pinakahuling tala ng Laguna PDRRMO, anim ang nawawala sa lalawigan.
Nasa 828 na pamilya naman o 4,140 na indbidwal ang nasa evacuation center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.