Bagyong Maring at bagyong Lannie, sabay na lalabas ng bansa
Inalis na ng PAGASA ang lahat ng tropical storm warning signal na itinaas dahil sa bagyong Maring.
Ayon sa PAGASA, palayo na ang bagyo at nasa bahagi na ng West Philippine Sea o sa 270 kilometers West ng Iba, Zambales.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 74 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers bawat oras.
Samantala, ang typhoon Lannie naman ay huling namataan sa layong 610 kilometers Northeast ng Basco Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 125 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 155 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA, mamayang gabi hanggang bukas ng umaga inaasahang parehong lalabas ng bansa ang dalawang bagyo.
Magiging maganda na umano ang panahon ngayong araw ayon sa PAGASA at tanging ang MIMAROPA at mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Batangas na lamang ang makararanas ng light to moderate rains.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.