VM Paolo Duterte, ayaw pang ipakita ang kaniyang tattoo kay Trillanes

By Kabie Aenlle September 13, 2017 - 04:09 AM

 

Wala pang balak si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na ipakita ang kaniyang tattoo sa likod, na iginigiit ni Sen. Antonio Trillanes IV na patunay ng kaniyang pagiging kasapi sa isang drug triad.

Ayon kay Duterte, hahayaan niya munang mainis ang kaniyang mga kaaway bago niya ito ipakita.

Nanindigan rin ang bise alkalde sa sinabi ng kaniyang abogado na hindi sila magpapa-uto.

Kapag dumating na aniya ang oras na babagsak na si Trillanes dahil masyado nang mataas ang kaniyang paglipad, saka niya lang ipapakita ang kaniyang tattoo.

Nagbiro pa si Duterte na kailangan niya munang mag-ehersisyo bago niya maaring ipakita ang tattoo sa likod.

Samantala, sinabihan niya pa ang kaniyang nakababatang kapatid na si Baste Duterte na pagsabihan din ang kaniyang tattoo artist na huwag i-post sa social media ang disenyo nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.