Lacson, ipaglalaban ang P678-million budget ng CHR

By Rhommel Balasbas September 13, 2017 - 04:35 AM

 

“I accept the challenge.”

Ito ang matapang na tugon ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang twitter account matapos aprubahan ng Kamara de Representantes ang 1,000 pesos na budget ng Commission of Human Rights sa susunod na taon.

Ani Lacson, siya ang sponsor ng CHR budget sa Senado kasama ang Department of National Defense (DND) at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Anya, ipaglalaban niya ang ‘stand’ niya sa isyu sakaling mahawakan na ng Senado ang bersyon ng Kamara ng General Appropriations Bill at masusi itong pag-aaralan.

Sa isang tweet, kinukwestyon ni Lacson kung bakit nananatili sa 3.767 trilyong piso ang 2018 budget kung 1,000 lang ang ibibigay sa CHR.

Anya, ‘interesting’ umanong malaman kung paano ibinawas ang 677.999 milyong pisong budget ng CHR.

Maraming netizens ang nagpaabot ng suporta sa senador sa serye ng mga posts nito sa Twitter at hiniling na protektahan ni Lacson ang kanilang mga karapatang pantao.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.