Ganito isinalarawan ni United Nations special rapporteur on extrajudicial, summary or arbitrary executions ang hakbang ng Kamara na bigyan ng P1,000 na budget para sa 2018 ang Commission on Human Rights (CHR).
Tinawag ni Callamard na karapat-dapat kundenahin at wala sa katwiran ang ginawang desisyon ng pagboto ng 119 na mambabatas pabor dito.
Mula sa maiksing tweet, ibinuhos ni Callamard sa kaniyang Facebook page ang kaniyang puna.
Giit ni Callamard, mahalaga ang CHR sa Pilipinas para maprotektahan ang karapatan ng mga tao, sa pananaig ng batas, at para sa accountability.
Aniya, hindi magagawa ng CHR ang kanilang mandato kung wala silang sapat na budget, lalo na sa panahong sandamakmak ang alegasyon ng paglabag sa karapatang tao sa buong bansa.
Kabilang dito ang aniya’y “ill-advised” at “destructive” na war on drugs ng pamahalaan.
Dagdag ni Callamard, nararapat lang na mayroong matibay at independent na human rights institution ang Pilipinas na magbabantay, magiimbestiga at mag-uulat ng mga paglabag sa karapatang pantao at poprotekta sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Ito rin ang may mandatong papanagutin ang mga nasa likod ng mga pang-aabuso.
Gayunman ani Callamard, sa halip ay ang nakuha lang ng bansa ay ang “war on drugs” na ayon mismo aniya sa pangulo ay hindi pa rin napapababa ang addiction rates, bagkus ay nagdudulot lang ng takot sa bansa.