DOJ Sec. Aguirre, pinagbibitiw sa pwesto ng Senate minority

By Rohanisa Abbas September 12, 2017 - 09:54 PM

Pinagbibitiw sa pwesto ng senate minority si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II matapos mahuling nagte-text kung saan pinabibilis niya sa isang “Cong. Jing” ang kaso laban kay Senador Risa Hontiveros.

Ipinahayag ng mga senador na ipinakikita nito ang pagiging “unethical” ni Aguirre bilang public official.

Anila, sa pagdinig pa mismo nahuli ang Kalihim na ginagawa ito sa gitna ng pagdinig kung saan at kung kailan dapat nakatuon ang kanyang atensyon.

Ang Senate minority block ay binubuo nina senador Hontiveros, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Leila de Lima at Sonny Trillanes.

Sa kanyang privilege speech kahapon, ipinakita ni Hontiveros ang mga litrato mula sa photographers sa pagdinig ng Senado noong September 5 ukol sa mga patayang kaugnay ng iligal na droga.

Sa mga litratong ito, makikita ang palitan ng mensahe nina Aguirre at Cong. Jing.

Sinabi ni Cong Jing na naturuan na ni Hontiveros ang kanyang testigo.

Sinagot naman ni Aguirre ang text message at sinang-ayunan ito.

Pinamamadali niya rin ang mga kaso laban sa senadora. Ayon kay Hontiveros, posibleng Cong. Jing na ito ay si dating Negros Oriental Representative Jacinto “Jing” Paras na myembro ng Volunteers Against Crime and Corruption.

TAGS: bam aquino, Franklin Drilon, kiko pangilinan, leila de lima, Risa Hontiveros, sonny trillanes, Vitaliano Aguirre II, bam aquino, Franklin Drilon, kiko pangilinan, leila de lima, Risa Hontiveros, sonny trillanes, Vitaliano Aguirre II

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.