Mga residente ng Noveleta, Cavite na binaha, nakabalik na sa kanilang mga bahay

Kuha ni Mark Makalalad

Nakabalik na kanilang mga bahay ang mga residente ng Noveleta, Cavite na nalubog sa baha dahil sa hagupit ng Bagyong Maring.

Sa kasagsagan kasi ng lakas ng ulan kaninang alas-3 ng madaling araw, umapaw ang Ilang-Ilang River dahilan para tumaas ang tubig sa lugar.

Ayon kay Noveleta Mayor Dino Reyes Chua, siyam na pamilya ang nailikas ng kanilang Disaster Risk  Council pero agad naman  itong nakauwi sa kanilang mga tahanan bago maghapon dahil humupa na ang pagbaha.

Paliwanag ni Chua, nasira kasi ang breakwater ng ilog kaya umapaw ito.

Dahil na rin dito ay isinara sa mga motorista ang Manila-Cavite Road.

Una nang nagbabala ang PAGASA na magdadala si Maring ng katamtaman hanggang malakas na ulan sa Bicol, Calabarzon, Mimaropa, Metro Manila, Central Luzon, at Pangasinan.

Read more...