Huling namataan si Bagyong Maring sa bisinidad ng Bacolor, Pampanga.
Taglay nito ang lakas na hangin na aabot sa 60 kph malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 100 kph.
Inaasahan na kumikilos ang naturang bagyo sa direksiyong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 15 kph.
Nakataas ang Signal Number 1 ay ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Northern Quezon kabilang ang Polilio Island, Southern Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan at Pangasinan.
Inaasahan na aalis si Bagyong Maring sa landmass ng Luzon ngayong gabi at lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o umaga ng Huwebes.
Mula sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Bataan at Pangasinan.
Habang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na kung minsan ay may malakas na pag-ulan dahil sa mga thunderstorms ang inaasahan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA.
Inaabisuhan ang mga residente sa mga naturang lugar na maging alerto sa posibleng landslide at flashflood.
Kaugnay nito, nanatiling mapanganib ang seaboards ng Central Luzon, CALABARZON at Mindoro dahil sa Bagyong Maring.
Muling maglalabas ang PAGASA ng weather bulletin mamayang alas otso ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.