Alert level, itinaas na sa ilog ng San Mateo, Rizal

By Dona Dominguez September 12, 2017 - 03:19 PM

Courtesy of ICCO-San Mateo

Nakataas na ang Alert Level sa San Mateo River.

Sa pinakahuling abiso ng incident command control office ng San Mateo Rizal, nasa 18.46 meters na ang water level sa ilog ng San Mateo.

Courtesy of ICCO-San Mateo

Itataas ang alarm level kapag umabot ito sa 19 meters at critical kapag umabot na sa 20 meters Inihanda naman na ng Municipal Disaster Risk Reduction Office ang mga rescue equipment.

Dumating na rin ang mga tauhan ng Alpha Company mula sa 80th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division ng Phil. Army para umasiste kung kakailanganin ang paglilikas.

Ito ay kasunod na rin ng abiso ng PAGASA na posibleng tatawirin ng bagyong Maring ang Metro Manila, Rizal at Bulacan.

Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ang publiko na magmonitor at maging alerto sa posibleng pagbaha.

TAGS: Municipal Disaster Risk Reduction Office, Pagasa, San Mateo River, Municipal Disaster Risk Reduction Office, Pagasa, San Mateo River

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.