Bagyong Maring, tatawid sa bisinidad ng Metro Manila, Rizal at Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo, Mark Gene Makalalad September 12, 2017 - 11:35 AM

Tumama na sa kalupaan ng Mauban, Quezon ang bagyong Maring kaninang alas 9:00 ng umaga.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Laguna taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 60 kph at pagbugsong aabot sa 100 kph.

Ayon sa PAGASA, ngayong hapon, inaasahang tatawid ang bagyo sa Metro Manila, Rizal at Bulacan at magdudulot ito ng malakas na ulan na may malakas na hangin sa nabanggit na mga lugar.

Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Metro Manila
  • Bataan
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Rizal
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Northern Quezon
  • Polilio Island
  • Southern Aurora
  • Bulacan
  • Pampanga
  • Nueva Ecija
  • Tarlac
  • Zambales
  • Pangasinan

Sa Biyernes pa inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

 

 

 

TAGS: maring, Pagasa, weather, maring, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.