Heavy rainfall warning, nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
By Dona Dominguez-Cargullo September 12, 2017 - 11:22 AM
Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan, itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa 11AM rainfall advisory ng PAGASA, orange warning level ang nakataas sa Cavite, Laguna at Batangas.
Habang yellow warning level ang umiiral sa Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Zambales, Rizal at Quezon.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng landslide at flashfloods sa mga apektadong lugar.
Muling maglalabas ng abiso ang PAGASA sa susunod na tatlong oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.