Halos 300 pasahero, stranded sa Bicol
Istranded na ang nasa 296 pasahero sa Bicol, dahil sa masamang panahong epekto ng Bagyong Maring.
Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG, as of 8AM ay stranded ang 257 na pasahero sa Tobaco Port, 10 sa Pilar Port, 14 sa San Andres Port at 15 sa PAsacao Port.
Kasama ding stranded ang 46 na rolling cargoes, 16 na sea vessels at isang motor banca.
Habang nakatanggap naman ng ulat ang coast guard na mayroon pang isang motorbanca ang nag-shelter sa Cordon Port.
Sa advisory naman ng Department of Transportation o DOTR, ang mga ferry boat at RORO vessels ay nananatiling operational sa Batangas port.
Gayunman, sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Maritime Andoy Perez na suspendido ang biyahe ng mga maliliit na barko at bangka papuntang Puerto Galera.
Ang Montenegro shipping ay kusa namang sinuspinde ang kanilang mga vessel papunta at mula sa Lucena at Marinduque, ang nananatiling operational ang mga biyahe sa ibang ruta.
Samantala, ang Manila International Container Terminal at South Harbor ay bukas para sa cargo receiving.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.