Ilang satellite at regional offices ng DFA, sarado ngayong araw

Sarado ang ilang opisina ng Department of Foreign Affairs o DFA ngayong araw (September 12) dahil sa Bagyong Maring.

Sa advisory ng DFA, walang pasok ang DFA main consular office sa ASEANA, Pasay City at kanilang mga satellite offices at regional offices sa Metro Manila, CALABARZON at Region III o Central Luzon.

Ito’y alinsunod sa pagsuspinde ng Malakanyang sa pasok sa mga opisina ng gobyerno sa mga nabanggit na lugar.

Ayon sa DFA, ang mga passport applicant na may kumpirmadong appointments ngayong araw ay maaaring mag-apply ng kani-kanilang pasaporte anumang araw hanggang October 11, at hindi na kailangan ng panibagong appointment.

Ang mga aplikante ay pinagdadala ng printout ng September 12 confirmed appointment, at iba pang requirements para sa passport application.

 

 

 

 

\

Read more...