Biyahe ng PNR mula Maynila hanggang Calamba, suspendido dahil sa baha
By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 12, 2017 - 09:37 AM
Sinuspinde ng Philippine National Railways (PNR) ang biyahe ng kanilang mga tren mula Maynila hanggang sa Calamba at pabalik.
Ito ay dahil sa naitalang pagbaha sa mga riles ng tren.
Mula umaga ngayong Martes, ang tubig baha sa Laon Laan ay nasa 3 inches ang taas, sa España ay 7 inches, sa Paco ay 7 inches at sa EDSA-Taft ay 16 inches.
Ayon sa PNR, kaya lamang ng mga tren ng PNR ang lalim na 2.5 inches na tubig baha.
Mag-aanunsyo ang PNR kung maibabalik pa sa normal ang biyahe ng kanilang mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.