Red warning level, itinaas ng PAGASA sa Camarines Norte

Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan, itinaas na ng PAGASA sa red warning level ang rainfall advisory sa lalawigan ng Camarines Norte.

Binalaan ng PAGASA ang mga residente sa anomang oras ay maari silang makaranas ng serious flooding at landslides.

Alas 7:45 ng umaga nang ilabas ng PAGASA ang rainfall advisory.

Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa susunod nilang abiso hinggil sa nararanasang pag-ulan sa Camarines Norte.

Ang bagyong Maring ay huling namataan sa bayan ng Daet sa nasabing lalawigan.

Samantala, orange warning level naman ang umiiral sa mga lalawigan ng Bataan, Pampanga at Cavite.

Habang yellow warning level sa Metro Manila, Bataan, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Batangas at Quezon.

 

 

 

 

Read more...