Pasok sa tanggapan ng gobyerno sa NCR, Region 3 at CALABARZON, suspendido na

By Isa Avendaño-Umali September 12, 2017 - 06:33 AM

Inquirer file photo

Suspendido na ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila, Region III at CALABARZON ngayong araw.

Inanunsyo ito ng Office of the Executive Secretary bunsod ng nararanasang masamang panahon dulot ng Bagyong Maring.

Sa advisory na inilabas ng Malakanyang, batay sa rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ay walang pasok sa government offices sa buong Metro Manila, at mga lalawigan sa Central Luzon o Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Suspendido na rin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Hindi naman sakop ng suspensyon ang mga tanggapan ng gobyerno na may kaugnayan sa pagtugon sa kalamidad.

 

 

 

 

 

 

TAGS: calabarzon, central luzonc, government work, Malacanan, Metro Manila, Radyo Inquirer, suspension, calabarzon, central luzonc, government work, Malacanan, Metro Manila, Radyo Inquirer, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.