Bagyong Maring, lumakas pa, signal number 1 nakataas sa 21 lugar sa bansa
Bahagya pang lumakas ang tropical depression Maring habang kumikilos patungo sa Quezon-Aurora area.
Huling namataan ang bagyo sa 80 kilometers North ng Daet, Camarines Norte.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 11 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng Quezon ngayong umaga hanggang tanghali.
Nakataas na ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Metro Manila
- Catanduanes
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Nothern Quezon
- Polillo Island
- Rizal
- Bulacan
- Pampanga
- Quirino
- Nueva Ecija
- Nueva Vizcaya
- Benguet
- La Union
- Tarlac
- Zambales
- Bataan
- Pangasinan
- Laguna
- Quirino
- Aurora
Ayon sa PAGASA, dahil sa bagyong Maring, makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong araw sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon at sa lalawigan ng Pangasinan.
Inalerto rin ang publiko sa posibleng landslide at flashflood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.